Pilipinas – nakapagsagawa ng ‘mapayapang resupply mission’ sa BRP Sierra Madre

Naging matagumpay ang latest na resupply mission ng Pilipinas sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) – walang naitalang ano mang aggresion mula sa China.

Ang mapayapang RoRe mission na ito ay kasunod ng naging isang ‘agreement’ sa pagitan ng China at ng Pilipinas na pahupain ang tensyon sa ating teritoryo.

Read More:  Defense may call Zuleika Lopez as witness in VP Sara trial

Sa hiwalay na pahayag, sinabi ni Philippine Coast Guard (PCG) spokesperson for the West Philippine Sea (WPS) Commo. Jay Tarriela na ginamit ang MV Lapu-Lapu, na in-escort ng BRP Cape Engaño.

Read More:  Senator-judges question request to advance NBI chief’s testimony

Sabi ni Tarriela, ito raw ang kauna-unayang RoRe Mission matapos ang naging ‘agreement’ ng Pinas at China.

Pinasalamatan naman ng PCG official ang katapangan at ‘professionalism’ ng mga tauhan ng PCG, at ng Navy para sa mapayapang misyon nila sa BRP Sierra Madre.