Mga residente sa Tanay, Rizal na hindi makalabas dahil sa landslide at tatlong araw nang hindi nakakakain, nahatiran na ng tulong ng DSWD

Agad ipinag-utos ni Pangulong Bongbong Marcos na i-air lift ang mga relief goods patungong Sta Inez sa Tanay Rizal.

Ito’y matapos mapag alaman ng Presidente sa ginanap na situation briefing kahapon sa San Mateo Rizal na merong halos tatlong libong pamilya sa Sta Inez Tanay ang hindi makalabas ng kanilang bayan dahil sa landslide at tatlong araw nang hindi nakakakuha ng pagkain.

Read More:  Supreme Court budget ruling may figure in new Marcos impeachment bid

Kahapon din agad naihatid ng DSWD ang nasa limandaang family food packs gamit ang chopper sa tulong ng 80th Infantry Batallion ng Philippine Army.

Read More:  Four Philippine Air Force pilots killed as two SF-260 aircraft crash

Sisikapin din ng Philippine Army na tapusin ang paghahatid ng 3,000 food packs ngayong araw.