Pagbaha at isang casualty, naitala sa Sagñay, Camarines Sur dahil sa sama ng panahaon

CAMARINES SUR — Nakapagtala ng pagbaha sa dalawang barangay sa bayan ng Sagñay, Camarines Sur at isang casualty bunsod ng nagdaang Habagat at Bagyong Carina.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Noli Pielago, ang operations officer ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office – Sagñay, hindi na bago sa Barangay Tinorongan at Barangay Aniog ang pagbabaha dahil na rin sa kakulangan ng mga puno, ngunit naidagdag sa insidenteng ito ang isang binatang binawian ng buhay matapos mabagsakan ng tatlong puno ng papaya dahil sa lakas ng hangin.

Read More:  19 Badjao rescued after flood traps group beneath Iloilo bridge
Read More:  Senior couple stabbed after offering shelter from rain to stranger in Cebu

Sa ngayon, humupa na ang baha at wala naman nang naitalang landslide o rock fall event sa nasabing bayan.