MECO, walang naiulat na Pilipinong nasaktan sa Taiwan matapos mag-landfall ang Typhoon Gaemi

Kinumpirma ng Manila Economic and Cultural Office (MECO) na wala silang naitalang Pilipinong nasaktan sa pananalasa ng typhonon Gaemi sa Taiwan, na tinawag na Bagyong Carina sa Pilipinas.

Ayon kay MECO Chairman Silvestre Bello III, mahigipit na nakikipagugayan ang mga Migrant Offices sa Taiwan sa mga kinatawan ng Filipino Community, pati na rin sa Taiwan Manpower Agencies.

Read More:  Marcos says Philippines won’t allow territory used as launching pad for attacks on Taiwan

Pinaalalahanan ang mga ito na agad na mag-ulat sakaling may maapektuhang Pilipino dahil sa bagyo.

Napagalaman namang karamihan ng kumpanyang pinagta-trabahuhan ng mga OFW ay sumunod sa deklarasyon ng gobyerno ng Taiwan na pansamantalang ikansela muna ang trabaho sa kanilang mga manggagawa.

Read More:  2 dead, 1 injured after magnitude 7.7 earthquake strikes Flores, Indonesia

Sa ngayon, hindi bababa sa tatlo na ang nasawi sa Taiwan habang higit sa 220 ang sugatan dahil sa nararanasan nitong bagyo.