DOE, tiniyak na sasapat ang power supply ng bansa ngayong summer

Tiniyak ng Department of Energy sa publiko na magkakaroon ng sapat na power supply sa summer at sa mga susunod pa na buwan, matapos bumaba ang consumption ng business sector dahil sa implementasyon ng community quarantines.

Sinabi ito ni DOE-Electric Power Industry Management Bureau chief Mario Marasigan sa hearing ng joint congressional energy commission.

Read More:  VP Sara defense awaits senate ruling on subpoena request

Gayunman, nilinaw ni Marasigan na may posibilidad pa rin ng blackout nang matanong siya ni Senator Sherwin Gatchalian, chair ng joint commission, kung dapat bang asahan na hindi magkakaroon ng power interruption dahil sa community quarantines.

Ipinunto ni Marasigan na magiging hamon pa rin sa kanila ang maintenance.

Read More:  Romualdez ready to face Ombudsman complaint, says he will answer allegations

Iginiit naman ni Gatchalian ang kahalagaan ng pagkakaroon ng stable na power supply sa National Capital Region at sa nalalabing bahagi ng bansa sa gitna ng vaccine rollout na iniimplementa ng gobyerno.

Umaasa naman si Gatchalian na makakatanggap muli ng ulat ang Senado mula sa DOE sakaling hindi maiiwasan ang power disruptions.