Sen. Imee: P1.4-B a day na pondo sa flood control – ‘nasaan na?’

‘Medyo napipikon’ umano si Senadora Imee Marcos sa nangyayaring pagbaha sa ilang bahagi ng bansa lalong lalo na sa Metro Manila dala ng bagyong Carina sa kabila ng kanilang suporta sa flood controls.

Matatandaan, kahapon ay napuno ng pagbaha ang ibang parte ng bansa kung saan lampas tuhod hanggang lampas tao ang taas ng tubig na naitala sa mga ito.

Read More:  Philippine Navy personnel injured in alleged China Coast Guard assault at Ayungin Shoal

Kasunod nito, nilinaw ni Marcos na hindi sila kailanman nagkulang sa Senado at Kongreso na magbigy ng pera para sa flood control.

Anya, kung tutuusin kase ay nasa P1.4 bilyon kada araw o 450 bilyon sa buong taon ang inilaan nilang mapunta sa lahat ng ahensya tulad ng Department of Public Works and Highways.

Read More:  Angel Locsin criticizes Padilla following his admission that he is a communist

Dahil dito, kinwestyon ng senadora kung saan nga ba napunta ang mga laang pondo na kanilang ibigay para rito.