Isiniwalat ni dating senador Sonny Trillanes na ‘di umano’y itinuturing na ng International Criminal Court (ICC) bilang mga suspects ang ilang mga former at current officials ng Philippine National Police (PNP).
Hinggil pa rin ito sa imbestigasyon ng ICC sa war-on-drugs ng administrasyong Duterte.
Sa isang tweet – sinabi ni Trillanes na kabilang sa mga kino-consider nang mga suspek ay sina:
- Dating PNP Chief, Senator Ronald ‘Bato’ dela Rosa;
- Dating PNP Chief ret. Gen. Oscar Albayalde
- Dating CIDG chief, at ngayo’y Area Police Command- Northern Luzon MGen. Romeo Caramat;
- NAPOLCOM Commissioner Edilberto Leonardo; at
- Dating PNP chief intelligence officer, at ngayo’y PNP- Drug Enforcement Group (PDEG) director BGen. Eleazar Mata.
Sabi sa ICC order – magpo-focus umano ang imbestigasyon ng ICC Prosecutor sa ‘di umano’y ‘widespread’ at ‘systematic’ na pagpatay sa bansa, lalo na sa mga drug offenders.
Kung maaalala – una nang sinabi ni Trillanes na mayroon nang ilalabas na arrest order ang ICC; bagay naman na pinabulaanan ng local officials.