Apektadong indibidwal dahil sa bagyong carina, umabot na sa mahigit isang libo

Umabot na sa 1, 453 ang naitalang indibidwal na apektado ng bagyong Carina sa probinsya ng Cagayan at Batanes batay sa pinakahuling datos ng Department of Social Welfare and Development Region 2.

Ang nasabing bilang ay mula sa 418 na pamilya sa 33 na barangay sa naturang mga probinsya.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Sa ngayon, isang pamilya na lamang ang pansamantalang nanunuluyan sa evacuation center habang ang 28 na iba pa ay nakitira sa kanilang mga kaanak.

Read More:  11-year-old child killed, 16-year-old injured after uncle’s knife attack in Negros Oriental

Kabuoang P213, 257.04 na halaga ng humanitarian assistance ang naipamahagi ng ng kagawaran sa mga apektado habang nanatili ang standby funds na P171, 097, 183.92 kung saan kabilang na dito ang mga family food packs at non-food items.