BSP Naga, nagpa-alala sa mga financial consumer na bantayan ang pera sa bangko

NAGA CITY – “Bantayan o imonitor ang mga savings o pera sa bangko.”

Ito muli ang paalala ng Bangko Sentral ng Pilipinas Naga Branch, sa pamamagitan ni Keith Eduard Hidalgo, Research Specialist, matapos ang umano’y panglilimas ng isang bangko sa savings account na nasa P300,000 plus, sa kliyente sa Ormoc City, at nagviral pa, na nagdala ng takot, alalahanin sa marami.

Ayon kay Hidalgo, bigyan ng atensyon ang mga bagay na pinapahalagahan lalo na ang pera, dahil doon nalalaman kung nagkakaroon ng discripancy upang kaagad na maayos ang perang nawala, pangalawa, baka hindi na naaangkop sa basic deposit o sa lifestyle ng isang tao kaya dapat na piliin kung anong uri ng pag-iipon sa bangko. Isa pa may batas na nagpoprotekta sa mga financial consumer lalo na ngayong mas pinalalakas na ito.

Bagamat nitong Hunyo pa nangyari ang insidente, na naglabas na rin paliwanag ang bangko na kamag-anak ang nagwithdraw ng pera o co-accountholder, siniguro nitong tutulungan ang biktima, sabay hingi naman ng paumanhin ang kliyente na nagpadala sa bugso ng damdamin, isang life lesson pa rin ito.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City