Lalaki, patay sa salpukan ng dalawang truck

Patay ang isang lalaki sa naging salpukan ng dalawang truck sa Barangay Sta. Catalina, Atimonan, Quezon nitong Martes, Hulyo 23.

Sa isinagawang imbestigasyon ng mga awtoridad, nasira umano ang preno ng utility van na minamaneho ni alyas “Jefferson” habang binabagtas ang pababang bahagi ng direksyong southbound at nagdere-deretso hanggang sumalpok ito sa kasalubong na tractor head.

Read More:  Two college students found dead after Cagayan de Oro house fire
Read More:  Three workers found dead inside Dusit Thani Residence Davao

Dahil dito, isinugod sa hospital si alyas Jefferson matapos magtamo ng matinding injury sa katawan ngunit idineklara rin itong dead on arrival.

Samantala, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa aksidente.