Forced evacuation, ipinatupad na sa Marikina dahil sa pagtaas ng tubig sa ilog

Nagpatupad na ng forced evacuation ang lokal na pamahalaan ng Marikina sa mga residente na nakatira malapit sa Marikina River.

Ito ay matapos umabot sa ikatlong alarma ang ilog na lampas na sa 18 meters.

Read More:  Padilla attends DOJ probe over obstruction complaint

Libo libong indibidwal na rin ang lumikas sa Malanday Elementary School na isa sa mga evacuation area sa lungsod.

Read More:  LPG prices may still rise despite excise tax suspension

Ayon kay Mayor Marcy Teodoro, posibleng umabot sa 8,000 o higit pa ang lumikas dahil sa tuloy tuloy na pag-ulan.