Marikina River, itinaas sa ikatlong alarma; Paglikas sa mga residenteng malapit sa ilog, nagpapatuloy

Patuloy ang pagtaas ng lebel ng tubig sa Marikina River dahil sa tuloy-tuloy na pag-ulan dulot ng masamang panahon.

Sa huling update ng Marikina DRRMO, nakataas na sa ikatlong alarma ang ilog at umabot na sa 19 meters ang lebel ng tubig ngayong 11:50am

Read More:  Marcos signs five-year barangay, SK term law, moving 2026 elections to 2028

Dahil dito, nagpatupad na ang lokal na pamahalaan ng forced evacuation sa mga residente na nakatira malapit sa ilog.

Ayon kay Mayor Marcy Teodoro, libo-libong indibwal na ang lumikas sa Malanday Elementary School na isa sa mga evacuation area sa lungsod.

Read More:  Prosecutor Terry Ridon gets stern warning over alleged sub judice violation

Posible raw na umabot sa 8,000 residente ang lumikas o higit pa dahil sa pagtaas ng tubig sa Marikina River.

Nanawagan naman ng tulong ang alkalde sa publiko para sa pangunahing pangagailangan ng mga apektadong residente.