Resolusyon para suspendihin ang PUVMP, ihahain

Maghahain si Senate Committee on Public Services Chairperson Raffy Tulfo ng resolusyon para suspendihin ang PUV Modernization Program dahil minadali umano ito.

Ito ang kanyang sinabi sa pagdinig ngayong araw ng senado sa PUVMP at sang-ayon naman si Senate President Francis Escudero at sinabing pipirmahan niya ang resolusyon.

Read More:  DILG Sec. Remulla pays Vice Mayor Respicio’s ₱28K drug test

Kasabay nito, muling nagsagawa ng kilos protesta ang grupong Manibela sa labas ng Senado.

Read More:  Palace blames political noise, fake news for economic slowdown

Ito ay upang igiit ang kanilang karapatan at ibasura na ang naturang programa.