Equipments ng CDRRMO-Koronadal para sa mga kalamidad, nakahanda na!

KORONADAL CITY – HANDA na sa lahat ng oras ang mga equipment ng City Government ng Koronadal sa panahon ng pagbaha, landslides at iba pang uri ng kalamidad.

Ito ang kinumpirma ni City Disaster Risk Reduction and Management Office o CDRRMO Officer Cyrus Jose Urbano ng Koronadal kung saan handa ang kanilang mga back hoe: wheel type at crawler type; bulldozers, grader, chainsaw at maraming iba pa.

Read More:  Soldiers trek nearly a day to recover slain NPA member in Abra

Ayon kay Urbano, nagsasagawa rin ngayon ng pagkukutkot ng mga kanal, clean-up drive at pagrehab sa dadaanan ng tubig ang mga barangay sa layuning mapigilan ang pag-apaw nito sa mga tahanan.

Read More:  Police officer dies saving colleagues in Negros Occidental

Dagdag ni Urbano, na patuloy nila ngayong tinututkan ang mitigating measures sa binabantayang La Nina.