Ilang flights sa NAIA – kanselado pa rin dahil sa global cyber outage

Muling humingi ng paumanhin ang global cybersecurity firm na CrowdStrike sa lahat ng mga apektado ng kanilang shutdown.

Kung maaalala kasi – ang naging sanhi ng outage ay isa lamang software update sa kanilang programa.

Nag-trigger ito ng ilang mga ‘blue screen’ sa mga computers na naka-subscribe dito, lalo na ‘yung mga machines na ginagamit sa iba’t ibang mga negosyo, at public services.

Read More:  Palace says ‘no one is above the law’ as VP Sara seeks oral arguments in grave threats case

Kabilang na diyaan ang ilang mga logistics and courier services; at ilang mga flights; kaya naman sa buong mundo ito nararanasan.

Sa ngayon, iniulat ng ilang mga paliparan sa ibang bansa na unti-unti na nilang nare-restore ang mga cancelled flights nila.

Read More:  Tinio says Marcos should not ‘wash his hands’ over reported ₱24-B leadership fund

Sa kabila nito – may mga fights pa rin sa NAIA na apektado.

Nag-abis naman ang mga airline companies na i-check na ngayon ang status ng mga biyahe ng kanilang mga pasahero.

Mayroon ding inialok na mga option ang mga kumpanya, gaya na lamang ng libreng rebooking.