PNP deployment sa SONA – tinawag na ‘overkill’ na ilang grupo

Inilarawan bilang ‘biggest inconvenience’ ng grupong BAYAN ang ‘overkill restrictions’ ng Philippine National Police para sa SONA.

Ito ay matapos manawagan ang PNP na hindi sana maabala ang publiko sa ikakasang mga kilos-protesta kasabay ng naturang pagtitipon.

Read More:  DFA defends Marcos foreign trips amid spending criticism

Sa panayam ng Brigada News FM Manila kay BAYAN Secretary General Mong Palatino, sinabi nitong ang mga pulis ang siyang dapat magrebyu ng kanilang operasyon sa Lunes.

Sinabi rin ni Palatino na marami silang nakalatag na mga aktibidad para sa kanilang programa.

Read More:  Gatchalian tells sleepy impeachment court visitors to stay home

Mangyayari aniya ang main protest, kasabay ng mismong speech ng Pangulo.

Samantala, kahit may banta umano ang PNP laban pagkakaroon ng effigy, isinama pa rin nila ito sa kanilang protesta.