Mayor Guo, maaring ginamit ang Chinese passport para makalabas ng bansa

Maaring ginamit ng suspendidong alkalde ng Bamban Tarlac na si Alice Guo ang kanyang Chinese passport upang makalabas ng Pilipinas.

Ito ang pahayag ni Senador Sherwin Gatchalian matapos kumpirmahin ng Bureau of Immigration (BI) na wala pang Guo Hua Ping na nakakalabas ng bansa.

Read More:  DA says super El Niño won’t trigger food crisis as government prepares rice imports

Bagama’t nakaalerto ang BI sa suspendidong alkalde, ipinunto ni Gatchalian may iba pang mga paraan para makalabas ng Pilipinas at makatakas.

Read More:  No government expense for Marcos’ F1 ticket, Palace says

Maalalang napagalaman na gumagamit si Guo ng parehong Chinese at Philippine passport mula 2008 hanggang 2011.