NKTI, nilinaw na hindi head nurse ang mastermind sa likod ng Kidney for Sale

Nilinaw ng National Kidney and Transplant Institute na hindi nila head nurse ang umano’y mastermind ng sindikato sa likod ng kidney for sale na naging target ng operasyon ng National Bureau of Investigation.

Read More:  Claire Castro rejects apology calls, says remarks on teachers were misinterpreted

Ayon sa NKTI, isang staff nurse sa kanilang ambulator unit ang sinasangkot sa organ trafficking syndicate.

Itinanggi naman ng staff nurse na bahagi siya ng sindikato.

Hindi umano niya kilala ang mga suspek na inaresto ng NBI.

Read More:  Tinio says Marcos should not ‘wash his hands’ over reported ₱24-B leadership fund

Handa umano ang NKTI na makipagtulungan sa NBI para sa gagawing imbetigasyon.

Iginiit din ng NKTI na istrikto sila sa pagproseso sa pagsasagawa ng organ transplant.