Iginiit ni Senate President Chiz Escudero na kailangan ng paigtingin seguridad nina Sen. Risa Hontiveros at Sen. Win Gatchalian sa gitna umano ng banta sa kanilang buhay.
Ayon kay Senate President Chiz Escudero nakahanda siyang magbigay ng tulong sa kanyang mga kapwa senador sakaling hingin nila ito.
Nanawagan din ang ilang senador na dagdagan ang seguridad nina Hontiveros at Gatchalian habang nagpapatuloy ang imbestigasyon ng ilegal na POGO.
Nauna nang hiniling ni Gatchalian sa pulisya ang imbestihan ang banta laban sa kanya na pinaniniwalaang dahil sa kanyang papel sa pag-imbestiga sa sinalakay na POGO hub sa Bamban, Tarlac na iniuugnya kay Mayor Alice Guo.