US Senators, hinimok si Biden na tulungan ang Pilipinas vs China

Hiniling ng dalawang senior US senators kay President Joe Biden na magbigay ng kumpletong listahan ng military, diplomatic, at economic options para sa Pilipinas na binuo ng State at Defense Departments ng Amerika.

Tutugunan kasi nito ang kamakailang pangha-harras ng China coast guard sa mga Pilipino sa West Philippine Sea noong nakaraang buwan.

Read More:  Marcos says Philippines won’t allow territory used as launching pad for attacks on Taiwan

Naniniwala ang mga Republican senators na sina James Risch at Roger Wicker na kailangan ito ng agarang aksyon upang maging tapat sila sa mga bilateral commitments ng Amerika at Pilipinas.

Read More:  Claire Castro rejects apology calls, says remarks on teachers were misinterpreted

Pinaalalahanan din ng mga senador si Biden tungkol sa kasunduan ng dalawang bansa, lalo na’t ang Pilipinas ang pinakamatagal na kaalyado ng Amerika sa depensa sa buong Asia Pacific region.