MMDA, 100 porsyento nang handa sa SONA; Traffic management plan ipatutupad

Isangdaang porsyento nang handa ang Metropolitan Manila Development Authority o MMDA para sa SONA sa Lunes.

Ayon kay MMDA chairman Atty. Don Artes, mahigpit silang nakikipag-ugnayan sa Task force SONA 2024, Quezon City Police District, Presidential Security Command, House of Representatives, at Quezon City LGU upang matiyak na magiging ligtas, mapayapa, at maayos ang SONA.

Nasa 1, 329 na mga tauhan ng MMDA ang itatalaga upang pangasiwaan ang trapiko at tumulong sa crowd control.

Read More:  Ombudsman denies political motive behind cases vs Sen. Jinggoy

Ipatutupad din ni Artes ang no day off, no absent” policy sa mga nakatalagang tauhan upang masiguro ang epektibong tungkulin ng mga ito sa SONA.

Bilang bahagi ng kanilang traffic management plan, magpapatupad ang MMDA ng zipper lane o counterflow sa southbound areab ng Commonwealth Avenue upang bigyang-daan ang mga sasakyan ng mga opisyal ng gobyerno at mga bisitang pupunta sa Batasang Pambansa Complex.

Read More:  Gatchalian elected Senate President Pro Tempore

Samantala, ang Batasan-IBP Road ay isasara sa trapiko simula 8 a.m. bilang bahagi ng seguridad para sa SONA.

Pinapayuhan ang mga motorista na gumamit ng mga alternatibong ruta upang maiwasan ang inaasahang mabigat na trapiko sa Commonwealth Avenue at sa paligid ng Batasang Pambansa Complex.