Maynila – ika-limang pinaka-‘risky’ para sa mga turista ayon sa Forbes

Ikalima ang Manila sa mga lugar sa buong mundo na ‘risky’ para sa mga foreign tourists.

Ayon sa Forbes, ang Maynila ay isa sa mga pinaka-risky na lugar dahil sa iba’t ibang mga dahilan.

kabilang na rito ang exposure sa natural disasters; pati na rin agn mga security concerns at health security risks.

Read More:  Suspected P10-M ecstasy shipment from Canada leads to American’s arrest

Kinumpara ang Manila sa 60 international cities at inihayag na ang Maynila ay nakakuha ng 91.49 puntos sa pangkalahatang panganib.

Samantala, ang Singapore ang pinakaligtas na lungsod sa mga turista, base sa kaligtasan sa paglalakbay, pinakamababang panganib sa natural na kalamidad, at pangalawa sa pinakamababang panganib sa seguridad sa kalusugan.

Read More:  DepEd warns students against fake news, pranks, and bomb threats

Nakakuha ang Tokyo at Japan ng 10.72 na puntos at 13.6 para sa Toronto at Canada, habang ang Sydney sa Australia at Zurich sa Switzerland ay nakakuha ng 22.28 at 22.97, ayon sa pagkakabanggit. (BRIGADA INTERN JAY LAINEZ)