kakulangan ng mga designated ENRO sa mga bayan, dapat tugunan – DENR

Umaasa si Department of Environment and Natural Resources Regional Executive Director Gwendolyn Bambalan na matugunan ng mga lokal na pamahalaan ang kanilang panawagan na magkaroon ng permanenteng Environment and Natural Resources Officer ang bawat bayan upang matutukan ang mga programang pangkapaligiran ng bawat LGU sa Lambak Cagayan.

Read More:  UP-Cebu alumnus who campaigned for free education killed in Negros encounter

Ayon kay RED Bambalan, napakahalaga na magkaroon ng appointed ENRO at hindi lamang designated.

Sa ngayon, may kakulangan ng mga appointed ENROs sa mga bayan na kinakailangang matugunan.

Read More:  5 NPA rebels killed in Negros Occidental clash

Aniya, nag-issue ang kanilang opisina ng resolusyon na marapat mag-appoint ng municipal environment and natural resources officers ang mga lokal na pamahalaan na hindi lamang ‘designated’.