Pormal nang itinalaga kahapon bilang bagong Medical Center Chief II ng Cagayan Valley Medical Center si Dr.Cherry Lou Antonio.
Nagsilbing panauhing pandangal si Department of Health Undersecretary for Public Health Sector USEC Glen Mathew Baggao.
Pinuri nina USEC Baggao at DOH Regional Director Amelita M.Pangilinan si Dr.Antonio sa kaniyang dedikasyon sa trabaho na nagsisilbing inspirasyon ng kaniyang mga kasamahan sa sektor ng kalusugan.
Sa kaniyang acceptance speech, hinikayat ni Dr. Cherry Lou M. Antonio ang kaniyang mga kasamahan na magtulungan upang mapahusay ang serbisyo ng Cagayan Valley Medical Center.