AFP – wi-nelcome ang desisyon ng Tagum RTC sa conviction ni Rep. France Castro, Satur Ocampo kaugnay ng ‘Talaingod 18’

Wi-nelcome ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang desisyon ng Tagum Regional Trial Court sa conviction ni Rep. France Castro at Satur Ocampo.

Sa naging desisyon ng Tagum Regional Trial Court Branch 2 – guilty sina Castro, Ocampo, at 11 iba pa sa paglabag sa Republic Act 7610 or the Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act.

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Hinggil ito sa mga reklamong isinampa sa kanila dahil sa ‘di umano’y pagtatago sa 17 mga menor de edad sa Talaingod sa Davao del Norte.

Ayon kay AFP Spokesperson Col. Francel Margareth Padilla, ang conviction ay patunay na gumagana ang justice system sa bansa.

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Malinaw din aniyang mensahe ito sa mga indibidwal na nagsasamantala at naglalagay sa panaganib sa buhay ng mga kabataang katutubo dahil sa mga mali at mapanganib na ideolohiya , ay mananagot sa batas.