2, naiulat na nasawi dahil sa epekto ng Southwest Monsoon sa Mindanao; 17k nananatili sa mga evacuation centers

Dalawa katao ang naiulat na nasawi dahil sa epekto ng Southwest Monsoon sa Mindanao.

Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC, ang mga ito ay mula sa Region 10 o Northern Mindanao at Region 11 o Davao region.

Read More:  VP Sara defense awaits senate ruling on subpoena request

Isa ang kumpirmado habang ang 1 ay patuloy na bina-validiate.

Habang 2 ang injured at 1 ang missing mula rin sa Region 10.

Samantala, mahigit 17 libo katao ang nananatili ngayon sa mga evacuation centers sa limang rehiyon sa Mindanao

Read More:  Philippine Navy personnel injured in alleged China Coast Guard assault at Ayungin Shoal

Ang mga apektado ay mula sa regions 9,10,11,12 at BARMM.

Samantala, 21 kalasda at 2 tulay ngayon sa Mindanao ang nananatiling hindi passable sa mga motorista.