Matapos ang apat na linggong oil price hike – rollback, kasado na bukas!

GOOD NEWS sa mga motorista – ‘wag na muna kayong magpakarga!

Simula kasi bukas, lalarga na ang bagong round ng rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Read More:  LTFRB reviewing measures amid looming fuel price increase

Sa magkakahiwalay na abiso, magbababa ng P0.60 sa kada litro ng gasolina.

Mayroon ding itatapyas na P0.95 sa kada litro ng diesel; at P1.15 naman ang ibabawas sa kada litro ng kerosene.

Read More:  NGCP: stable power services in Mindanao following earthquake

Dahil dito – naputol na ang apat na linggong sunud-sunod na taas-presyo sa oil products.