No fly at drone zone, ipatutupad ng PNP sa paligid ng Batasan Complex sa araw ng SONA

Ipatutupad ng Philippine National Police ang no fly at drone sa araw ng State of the Nation Address sa darating na July 22.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief Col. Jean Fajardo, partikular itong ipatutupad sa paligid ng Batasan Pambansa.

Read More:  VP Sara Duterte files new perjury complaint against Ramil Madriaga

Samantala, suspendido rin ang Permity to Carry Firearms Outside of Residence sa National Capital Region mula alas 12:01 ng umaga hanggang 11:59 ng gabi sa July 22.

Nauna ng sinabi ng PNP na nasa final stage na sila ng preparasyon para sa seguridad sa SONA.

Read More:  House eyes higher DepEd Budget for 2027 school security after Ateneo de Zamboanga shooting

Nasa 22 libong mga pulis ang kanilang ide-deploy, kung saan ang pinakamalaking bilang ng mga pulis ay manggagaling sa National Capital Region Police Office.