Subpoena laban sa mga tauhan ng Zun Yuan Technology at Lucky South 99 – pirmado na rin ni SP Escudero

Inaprubahan na rin ni Senate President Chiz Escudero ang subpoena ad testificandum laban sa presidente ng Zun Yuan Technology na si Jamielyn Cruz at maging sa authorized representative ng Lucky South 99 na si Katherine Cassandra Li Ong.

Read More:  Tinio says Marcos should not ‘wash his hands’ over reported ₱24-B leadership fund

Alinsunod nito, inuutos ng Senado ang pagdalo ng mga ito at maging ng kanilang ibang kasamahan sa gagawing pagdinig sa July 29.

Maliban pa roon, nanawagan din si Senadora Risa Hontiveros sa Sergeant-at-Arms na agarang ihain ito sa mga nasabing indibidwal.

Read More:  House eyes higher DepEd Budget for 2027 school security after Ateneo de Zamboanga shooting

Maalala, matapos ang hindi pagdating ni suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Leal Guo sa nakaraang pagdinig sa kabila ng inihaing subpoena sa kanya ay ipina-cite in contempt na siya ng Senado.