32-anyos na lalaki, huli sa drug buy bust operation sa bayan ng Daraga, Albay

LEGAZPI CITY – Huli ang isang 32-anyos na lalaki na kinilalang si alyas John, residente ng Barangay 1 Ems Barrio sa lungsod ng Legazpi, matapos magpositibo sa drug buy bust operation sa P2A Barangay Kimantong bayan ng Daraga, Albay.

Ayon sa report, nagsagawa ng anti-illegal drugs operation ang Daraga Municipal Police Station (MPS) sa lugar laban sa nasabing suspek, kumagat naman sa pain ang suspek matapos na pagbentahan nito ang nagpanggap na poseur buyer ng isang pakete na pinaniniwalaang shabu sa halagang P1500. Nang magkaabutan na ng drug items at pera, dito na inaresto ang suspek.

Read More:  Army conducts live-fire exercises as HRAN flags risks to Sipalay residents
Read More:  P398M Himamaylan loan-funded projects delayed by up to 1,286 days – COA

Narekober pa sa kanya ang tatlong piraso ng pakete ng pinaniniwalaang shabu, buy bust money at iba pang non drug items.

Ang suspek ay hawak na ngayon ng Daraga MPS upang ihanda na ang kasong isasampa rito.