5 Delta variant cases sa Cagayan de Oro, na-isolate na- Mayor

Na-isolate na umano ang limang kaso ng Delta variant sa Cagayan de Oro.

Ayon kay Cagayan de Oro City Mayor Oscar Moreno, pumayag ang local government na isailalim sa enhanced community quarantine (ECQ) ang Cagayan de Oro para maiwasan pa ang pagkalat ng variant.

Aniya, bukod dito, nasa 63 to 62 percent na ang utilization rate ng mga healthcare facilities sa lungsod.

Read More:  Marcos declines comment on Imee’s no-el claim

Inatasan na umano ng lokal na pamahalaan ang Northern Mindanao Medical Center (NMMC ) – ang main referral hospital sa Region 10 na dagdagan ang kanilang bed allocation para sa COVID-19 cases.

Mababatid na inanunsyo ng Malacanang kahapon na isasailalim sa ECQ ang Cagayan de Oro, Iloilo, at Gingoog, Misamis Oriental sa ECQ hanggang katapusan ng Hulyo para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.

Read More:  Senate minority walks out over proposed rules change

Inanunsyo pa ng Department Health (DOH) na 11 bagong kaso ng Delta variant ang naitala sa bansa; lima rito ay galing sa Cagayan de Oro City.

Una nang umapela si Cagayan de Oro City Representative Rufus Rodriguez sa gobyerno na magbigay ng pinansyal na ayuda sa mga residente na apektado ng mahigpit na quarantine restrictions.