Kulang na suplay ng Covid-19 vaccine hadlang para mabakunahan na ang publiko – CHO

SORSOGON CITY – Kinumpirma ni City Health Officer Dr. Rolando Dealca na patuloy naman ang kanilang pagbibigay ng bakuna sa mga nakalinya na sa listahan na dapat ng maturukan ng bakuna o ang mga nasa priority list.

Sa pahayag ng opisyal, sinabi nito na sa oras na mayroong dumarating na bakuna ay kaagad nila itong ibinibigay sa mga dapat na nitong makatanggap.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Aniya, wala namang problema sa vaccination roll out maliban na lamang sa limitadong suplay nito kung kaya hanggang sa ngayon ay ang mga kasama sa priority list na kinabibilangan ng mga medical health workers at front liners, mga senior citizen at ang mga may kapansanan o comorbidities pa lamang ang kanilang natuturukan.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Kaugnay nito, sinabi ng opisyal na dahil nga kulang ang suplay ng bakuna at naghihintay lang tayo sa ibabahagi o alokasyon mula sa national government, kung kaya kinakailangan na panatilihin natin ang pagsunod sa minimum health standard gayundin sa mga precautionary measures na ipinapatupad ng City-LGU.