Mayor Alice Gou, hindi na raw dadalo sa senate hearing dahil na-trauma

Hindi na dadalo si suspended Bamban Mayor Alice Gou sa nagpapatuloy na senate hearing kaugnay sa ni-raid na POGO hub sa kanyang munisipyo.

Ayon sa kayang legal counsel na si Atty. Stephen David, hindi na raw kayang dumalo ni Guo dahil na-trauma na ito sa hearing.

Read More:  Marcos allocates P300 million for Tarlac City bridge repairs

Bahala na rin daw ang mga mambabatas kung paniniwalaan nila ang medical reason ng kanyang kliyente.

Meron daw kasi itong medical conditions, at binigyan pa ng medication pero ayaw lang syang bigyan ng medical certificate ng kanyang doctor dahil baka ipatawag rin sa senado.

Read More:  P162 million worth of kush seized from distressed yacht in Subic Bay

Una nang nagbabala sina Senator Risa Hontiveros at Senator Win Gatchalian na posibleng ma-cite in contempt si Gou kapag kung hindi ito sisipot sa pag dinig.