Pagtuturok ng second dose ng COVID-19 vaccine sa mga nabakunahan ng Sinovac mula Hunyo 21-23 sa Camalig, Albay aarangkada na sa Lunes

BICOL– Sisimulan na sa Lunes, Hulyo 19 ang pagtuturok ng second dose ng Sinovac COVID19 vaccine sa mga nabakunahan ng first jab noong Hunyo 21, 22 at 23 sa Camalig, Albay.

Base sa abiso ng lokal na pamahalaan, naka schedule para sa second dose sa Lunes ang mga nabakunahan ng first dose noong June 21; sa Martes naman, July 20 ang mga nabakunahan noong June 22 at sa Miyerkules, July 21 ang mga tumanggap ng first dose noong June 23.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Pinapayuhan ang mga itong magtungo sa Camalig National High School main vaccination center sa Brgy. Ilawod mula alas 8:00 ng umaga hanggang alas 2:00 ng hapon.

Kasabay nito ay patuloy ding pinapayuhan ang publiko na patuloy na sundin ang minimum health standards sa mga vaccination sites gaya ng pagsusuot ng facemask at face shiedl at pagsunod sa physical distancing.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Hanggang kahapon, Hulyo 16, umaabot na sa 182 ang total confirmed cases ng COVID-19 sa bayan ng Camalig kung saan 157 na nito ang mga gumaling, 13 ang nasawi at 12 pa ang aktibong kaso.###