Panunumpa ni Sen. Angara bilang bagong DepEd Sec. wala pang schedule ayon sa PCO

Wala pang naitatakdang petsa ang panunumpa ni incoming DepEd Secretary Senator Sonny Angara.

Ayon kay Presidential Communications Office secretary Cheloy Garafil, nananatiling kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon si Vice President Sara Duterte hanggang July 18.

Read More:  BSP warns public against photocopying Philippine banknotes

Matatandaang nakasaad sa resignation letter ni VP Sara na July 19 ang effectivity ng kanyang resignation.

Read More:  Senate court calls out prosecutor over ‘premature’ statement in Duterte trial

Kahapon ay mismong si Pangulong Marcos ang nag- anunsiyo sa 17th Cabinet Meeting sa Malacañang na tinanggap ni Angara ang trabaho sa Education portfolio.