PHIVOLCS, patuloy ang pag alerto sa mga residente malapit sa Bulkang Taal matapos ang phreatic eruption

Bagama’t kalmado nang muli ang Bulkang Taal, patuloy pa rin ang paalala ng PHIVOLCS sa mga residenteng malapit sa bulkan na mas maging alerto.

Ito ay kasunod ng naganap na dalawang phreatic eruption noong nakaraang Sabado.

Read More:  Father swept away by floodwaters in Batangas while trying to save wife and son

Batay sa datos na inilabas ng PHIVOLCS kahapon, walang naitalang volcanic earthquake sa bulkan sa nakalipas na 24 oras.

Read More:  12 kilos of suspected shabu worth ₱81.6 million intercepted at Batangas Port

Gayunman, may bahagya pa ring pagsingaw kung saan umabot sa 6,571 tons ang ibinugang sulfur dioxide.

Nananatili pa rin sa Alert Level 1 ang Bulkang Taal.