Proposed P6.352-Trillion 2025 National Budget, aprubado na ni Pangulong Marcos

Aprub na kay Pangulong Bongbong Marcos ang proposed National Expenditure Program o ang national budget para sa taong 2025.

Sa 17th Cabinet meeting kaninang umaga sa Palasyo ng Malacañang, inaprobahan ng Pangulo ang 6.3 trillion pesos na budget na iprinisenta ng Department of Budget and Management.

Read More:  88 areas in the country placed under State of Calamity due to typhoons and Habagat

Prayoridad sa pondo ang para sa food security, social protection, healthcare, housing, disaster resilience, infrastructure, digital connectivity at energization.

Read More:  DepEd strengthens student counseling after Zamboanga school shooting

Kabilang naman sa mga ahensya ng pamahalaan na makakakuha ng malaking alokasyon ay edukasyon, kabilang dito ang DepEd, SUCs, CHED, at TESDA.

Gayundin ang public works, health kabilang ang Philhealth, interior and local government at ang defense.