Isang opisyal ng BFP sa Cebu City, arestado dahil sa reklamong paniningil kapalit ng posisyon sa recruitment

Arestado ang isang opisyal ng Bureau of Fire Protection sa Cebu City dahil sa reklamong paniningil kapalit ng posisyon sa recruitment.

Ayon sa BFP, naaresto ng National Bureau of Investigation sa entrapment operation ang isang Fire Inspector at hepe ng Fire Safety Enforcement Section ng Cebu City Fire Office.

Read More:  Philippines, Canada aim to conclude free trade agreement this year

Sabi ng BFP, patunay ito ng bisa ng tuloy-tuloy na internal cleansing campaign ng BFP pagdating sa recruitment at promotion ng mga bumbero.

Isa lamang pagkakadakip sa opisyal sa dami ng mga nahuli at naparusahan sa ilalim ng Oplan Santindig Campaign ng kawanihan ng pamatay-sunog.

Read More:  DepEd warns students against fake news, pranks, and bomb threats

Hinihikayat naman ng ahensiya sa sino mang nagpapabayad kapalit ng posisiyon sa loob ng BFP na makiisa para sa malinis at maayos na serbisyo publiko ng mga bumbero.