China – umapela sa Amerika na tigilan na ang suporta sa Pilipinas

May sagot na ang China sa naging posisyon ng Amerika na nananatiling ‘ironclad’ at matibay ang relasyon nila kasama ang Pilipinas.

Kasunod nga ‘yan ng patuloy na harassment at bullying ng China sa West Philippine Sea kung saan – mayroon pang isang Pilipinong naputulan ng daliri.

Read More:  DSWD extends aid to family of slain motorcycle taxi rider in Caloocan

Sa isa kasing pahayag, idiniin ng US Deputy Secretary of State na nagiging matatag ang ugnayan ng Amerika sa Pilipinas, at kinundena rin nila ang mga aksyon ng China.

Bilang tugon – idiniin ni Chinese Foreign Ministry spokesperson Mao Ning na hindi na raw dapat pang kunsintihin ng Amerika ang Pilipinas pagdating sa mga ‘di umano’y ‘provocations’ na ginagawa natin.

Read More:  Marcoleta transferred to Quezon City Jail after hospital clearance

Ito’y kahit na malinaw namang sa sariling teritoryo natin nangyayari ang mga recent incidents, at malinaw na China ang lumalabag sa international maritime laws.

Sabi ng China – dapat ay itigil na nito ang pagsuporta sa bansa.