NAGA CITY – Hihingan na ng clearance to operate ang mga street vendors ng Market Enterprise and Promotion Office sa Naga City.
Ito ang napag-alaman kay Joby Paunil, Presidente ng Plaza Food Vendors Association, na kasalukuyang prinoposeso na nila at hanggang sa Hulyo 15 na lamang ang pagpasa ng requirements. Layunin nitong masiguradong malinis, maayos ang mga panindang street food lalo na’t tinitingnan ang proper hygiene ng mga vendor, gaya na dapat may hair net, gloves, naka-uniporme; dapat segregated ang mga basura; tamang paggamit ng mantika, at presentable ang pagkain. Hindi na lamang kasi ang City Sanitation Office, City Health Office ang magmomonitor sa kanila maging ang MEPO, bilang parte ng pagpapalakas ng food safety sa lungsod.
Dagdag pa ng opisyal para naman sa mga illegal vendors, nasa mga opisina pa rin ang kontrol lalo na’t wala silang karapatang manita, nakiusap na rin aniya siya sa MEPO na magkaroon muli ng mahigpitang pagbabantay. Samantala, mahina ang bentahan ngayon dahil walang pasok, ang presyuhan naman ng mga paninda gaya ng bulastog, kikiam, fishball at iba walang pagbabago sa presyo.