DepEd Naga, 100% ng handa sa pagbubukas ng enrollment sa Hulyo 3

NAGA CITY –  Isang daang porsyento ng handa ang Department of Education Naga sa pagbubukas ng enrollment para sa S/Y 2024-2025 na magsisimula sa Hulyo 3 hanggang sa Hulyo 26, 2024. 

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Dr. Susan Collano, Schools Division Superintendent (SDS) ng DepEd Naga, sinabi nitong Pebrero pa lang, pinaghahandaan na nila ang para sa susunod na school year. Katunayan, may mga early enrollment registrations na silang isinagawa sa mga paaralan kung kaya ang gagawin na lamang ng mga magulang sa mismong araw ng enrollment ay ang ikumpirma kung tuloy ang pagpasok ng bata ngayong school year.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur
Read More:  Fetus found dead inside restroom of inn in General Santos City

Sa ngayon, hinihintay na lamang nilang matapos ang mandatory vacation ng mga guro upang makapagsimula na sila sa National Learning Camp bago ang pasukan. Nilagdaan na rin ni Education Undersecretary Nolasco Mempin ang DepEd Memorandum No. 32 series of 2024 o ang Enrollment Guidelines para sa S/Y 2024-2025.