PBEd, may apat na rekomendasyon na posibleng pwedeng ikonsidera ng Pangulo bilang susunod na Education Secretary

Matapos ang pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na iaanunsyo nito ang bagong kahilim ng Department of Education bago magtapos ang linggo, apat na indibidwal ang inirekomenda ng Philippine Business for Education (PBEd).

Una sa listahan si Senator Sonny Angara na ayon sa PBED ay nagtaguyod ng mga polisiya na may malaking epekto sa edukasyon, trabaho, pagnenegosyo at ekonomiya.

Read More:  Senate minority ready to challenge Marcoleta’s online attendance proposal

Sinundan ito ni DSWD Secretary Rex Gatchalian na malaki ang naitulong sa Valenzuela City noong siya pa ang alkalde nitodahil sa mga reporma nito sa sektor ng edukasyon.

Kasama rin sa listahan si Congressman Kiko Benitez na isa sa mga proponent ng second congressional commmission on education at Co-chairperson ng early childhood care and development and basic education standing committee.

Read More:  Minority bloc calls for Cayetano’s resignation

Kabilang din si Dr. Milwida Guevara, Presidente ng Synergiea Foundation na layong maihatid ang serbisyo sa edukasyon at masigurong bawat pilipino ay makatapos ng edukasyon sa elementarya.

Binigyang-diin ni Dr. Chito Salazar, Presidente ng PBED na ang dapat umupo bilang kalihim ay may karanasan, kwalipikado, competent at mapagkakatiwalaan.

Nirerespeto at tiwala naman ang PBED na bibigyang prayoridad ni Pangulong Marcos ang kinabukasan ng edukasyon sa pilipinas.