Halos 2M bagong botante – nagpa-register sa COMELEC

Pumalo na sa 4.1 million ang bilang ng mga natanggap na aplikasyon ng Commission on Elections (COMELEC) sa nagpapatuloy na voters registration para sa 2025 midterm elctions.

Ayon kay COMELEC Spokesperon Atty. John Rex Laudiangco, halos 2 milyon dito ay mga bagong botante.

Read More:  Palace urges Bato dela Rosa to surrender amid warning of potentially bloody arrest

Nakikita ni Laudiangco ang pagtaas ng tiwala ng publiko sa COMELEC at kahalagahan ng boto kaya na-enganyo ang marami na magparehistro.

Read More:  Supreme Court budget ruling may figure in new Marcos impeachment bid

Patuloy na hinihikayat ng poll body ang mga hindi pa rehistrado na magparehistro na , lalo na ang mahigit 4 na milyong deactivated voters.

Ang voters registration para sa 2025 midterm elections ay magtatagal hanggang sa September 30.