Nagsalita na ang aktres na si Ara Mina matapos ang viral na post hinggil sa paggamit ng gadgets sa isang theater play.
Una na kasing kumalat ang post kung saan, sinabi ng isangnetizen na ‘di niya ma-enjoy ang panonood ng ‘One More Chance’ dahil mayroong nagla-laptop at nagse-cellphone sa kaniyang harapan.
Sa isang interview, sinabi ni Ara na ibang tao umano ang gumagamit ng lapto sa gitna ng play, at hindi ang kaniyang kasama.
Sabi ng aktres, ‘di sila related, at hindi niya ito kilala.
Samantala, dumipensa naman siya nang makuhanan din siya ng picture na gumagmait ng cellphone.
Sabi ng aktres, normal lang daw na silipin ang kaniyang cellphone sa gitna ng dalawa’t kalahating oras na play. (with reports from CHA ARMADA – Brigada News INTERN)