Senate Committee on Sports – tiwalang handa na ang Cebu City sa gagawing Palarong Pambansa 2024

Naniniwala si Senate Committee on Sports, Chairperson, Senador Christopher ‘Bong’ Go na handang handa na ang lokal na pamahalaan ng Cebu City sa pangunguna o pagho-host ng gagawing 2024 Palarong Pambansa.

Read More:  Palace urges Bato dela Rosa to surrender amid warning of potentially bloody arrest

Kung saan, nakatakda itong magsimula sa darating na July 9 sa Cebu City Sports Center at inaasahang dadaluhan ito ng libu-libong atletang kabataan sa iba’t ibang rehiyon ng bansa.

Read More:  Palace seeks reconsideration of SC ruling on unprogrammed funds

Alinsunod nito, umaasa ang senador na magiging matagumpay ang pagdaraos nito sa Cebu matapos ang naging bidding dito noong nakaraang taon.