Umano’y ‘big boss’ na nasa likod ng POGO hub sa Bamban at sa Porac – tinutunton sa isang leisure park sa Clark, Pampanga

Sinalakay kagabi ng mga otoridad ang isang leisure park sa Clark, Pampanga.

Ayon sa Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) ang naturang park, na mayroon umanong limang villas, ang pinaniniwalaang ‘rest house’ ng mga bosses ng mga POGO hubs na una na nilang na-raid.

Read More:  Ridon urges Marcos to consider expelling Chinese Embassy staff over online attacks

Sa kabila nito, walang nadatnan na ‘big boss’ sa area.

Ang nakita rito ay ilang mga foreign nationals, kabilang ang ilang Chinese, Singaporean, at Malaysian.

Nadiskubre rin ang ilang vaults sa loob.

Read More:  Padilla urges critics to meet Chinese Ambassador Jing Quan personally

Gayunman, sinabi ni PNP-CIDG Director PMGen Leo Franciso na mayroon silang nahuling isang Chinese na pinaniniwalaang manager daw sa POGO hub sa Porac, Pampanga.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ito ng mga otoridad at daraan sa pagtatanong at imbestigasyon.