Balik kulungan na ang isang Person Deprived of Liberty (PDL) na tumakas sa Iwahig Prison and Penal Farm (IPPF) sa Puerto Princesa City noong Miyerkules, Ika-26 ng Hunyo.
Ito ay si Edgar Dumagsa na may kasong pangagahasa at may sentensyang habang buhay na pagkakulong.
Nadakip ito sa ikinasang intensify manhunt operation ng mga tauhan ng IPPF bandang alas-tres ng hapon ng Biyernes (June 27) sa bisinidad pa rin ng Iwahig Prison.
Samantala, ang suspek ay nahuli matapos lumabas sa kanyang pinagtataguan nang bumuhos ang malakas na ulan.