Batangas City – Matagumpay na nai-turn-over ang nasa labing-isang Land Ambulance Unit, sa iba’t-ibang Local Government Units sa rehiyon ng CALABARZON.
Isinagawa ang pamimigay bilang proyekto ng Department of Health na Health Facilities Enhancement Program, na pinondohan sa ilalim ng General Appropriations Avc o GAA 2023.
Bahagi rin ng Universal Health Care Act ang programang ito na naglalayong mailapit at mapabilis ang pagbibigay ng kalidad na serbisyong pangkalusugan para sa publiko.
Samantala, labis naman ang pasasalamat ng mga LGU’s na nakatanggap ng land ambulance at malaking tuloy aniya ito upang masmadali silang makapag serbisyo sa mga mamamayan.