Bicolanong Topnotcher sa Naval Officer Candidate Course sa Zambales, handang ma-assign na poprotekta sa West Philippine Sea

NAGA CITY- Buong pusong magsisilbi sa bayan sa panahon na kinakailangan. Ito ang walang pag-aalinlangang sinabi ng Bicolanong nanguna sa Naval Officer Candidate Course (NOCC) “MASAKBAYAN” Class 40 sa San Antonio, Zambales.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay 2LT Jemel Dayupay PN(M), sinabi nitong magiging baguhan man sa Philippine Navy handa siyang makiisa sa pagtatanggol sa teritoryo ng Inang Bayan partikular na sa West Philippine Sea. Saludo rin siya sa sakripisyo ng mga miyembro ng Armed Forces of the Philippine (AFP) na patuloy na nagtatanggol sa bansa.

Read More:  Drunk passenger stabs fellow bus rider in Cebu
Read More:  Drunk brother-in-law kills mother, injures teen over ₱500 debt in Negros Oriental

Pero para kay Dayupay, upang maisawan ang mas matinding tensyon sa naipanalo nang teritoryo ng Pilipinas mas maganda kung kakausapin pa rin pormal ang mga Tsino ukol sa isyu.