Timor-Leste, pinagbigyan ang hiling ng DOJ para sa extradition ni Teves Jr.

Aprubado na ng korte sa Timor Leste ang hiling ng Department of Justice na ibalik sa Pilipinas si dating Negros Oriental Rep. Arnie Teves.

Read More:  LTFRB reviewing measures amid looming fuel price increase

Ayon kay Justice Assistant Sec. Mico Clavano, pinaghahandaan na nila ang pagbalik ng dating Kongresista para masampahan ito ng kaso.

Si Teves ang itinuturong utak sa pagpatay kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo at ilan pang sibilyan noong 2023.

Read More:  Palace says VP Sara’s alleged threat involves national security

Mamabatid na nitong Marso, inaresto si Teves habang naglalaro ng golf sa Timor-Leste. Kasunod nito ang pagdinig sa hiling ng Pilipinas na ibalik siya sa bansa para litisin.